Tuesday, April 1, 2008

Office Whine #2

Ayan tumaas na naman ang presyon ko kakaisip ng mga kagugahan sa opisinang ito. Kaninang umaga nagtatanong and aming matandang amo kung nasaan na daw yung pranses na tagapamahala ng panaderya. Ayon sa kasunduan dapat sa susunod na buwan ay pormal na sasali sa kumpanya na ang naturang tagapamahala. Dahil si Tamad ang namamahala ng mga trabahong ukol sa mga bisa natural na siya ang napagtanungan ng amo naming may regla ata ngayon at napakasungit. Ito namang si Tamad, dagliang tumawag kay Kamot para itanong kung nasan na nga si pranses. Ay ang lolo mong Kamot ay nagwala. Paano nga naman, si Tamad ang namamahala ng bisa at ng mga bagay ukol sa paglalakbay, bakit siya nagtatanong sa amin ng sitwasyon ni Pranses? Hay naku, buhay ko sa office nga naman...

No comments: