Thursday, April 10, 2008

Office Whine #3

Eto na naman...hayop talaga to si Kamot. Porke ba may pagkabobo sya eh lahat na ng tao sa paligid nya eh feeling nya bobo din???? Nauna akong dumating sa opisina subalit pinagliban ko ang pagbukas sa aking mga liham sa computer. Pagkadating ni Kamot, ito ang una niyang ginawa -- hango sa suhestiyon ko na umupo muna siya at magbasa ng mga liham bago sya bumaling sakin at magdakdak ng anong dapat gawin. Paunawa lang, hindi ko kailangan ng dakdak pero ugaling ayaw matanggal na 'to ni Kamot. Ayun, balik sa kuwento, nakatanggap pala kami pareho ng liham galing sa kabilang bansa na nagsabing ibalik sa kanila yung dokumento ng 3 aplikante dahil sila na lang ang kukuha sa mga taong yun. Actually hindi ako ang kausap ni Kamot kundi ang sarili nya pero parang pinarinig na niya sa akin. Si Kamot may pagka master na rin ng soliloquy, hahaha! Pagkatapos mabasa ng malakas ang email eh bumaling sa akin at sabay sabi: "BG, kailangan natin ipadala yung mga dokumento sa kabilang bansa at kailangan nila yun". Anak ka ng angry bakunawa naman oh!!!! Narinig ko!!! At pareho tayong may liham niyan!!! Ke aga-aga eh pinag-iinit mo ang ulo ko. Ilang bese ko bang kailangan sabihin sa kanya ng ayoko ng inuulit-ulit ako ng paalala kung anong gagawin ko. Alam ko kung anong dapat ko gawin. Hindi ko kailangan ng paalala sa bawat LIMANG MINUTO. Naglitanya na naman tuloy ako na hanggang 3 bese lang niya ako pwedeng paalalahanin at dapat may tatlong oras na pagitan. Kung hindi, manigas siya, HINDI KO GAGAWIN!!! Pasaway na buhaaaaaay!

1 comment:

Anonymous said...

hahaha! got time to read ur blog. ntatwa ako! well, i knew their name code and as i have told u, y waste ur time and talent with dz dumb idiot around? gee! peace!