Bakit Single ang Status Mo ?
11. Destiny Adik
Eto yung mga naghihintay kay "Destiny" na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga "partner in life"... Ayannn... Kapapanood nyo ng "Serendipity" eh feeling nila ang nangyari sa movie eh mangyayari rin sa kanila... Such a cliche... Hindi ba nila alam na kung walang effort, destiny is useless...
10. Perfectionist/ Mapili
Yes, isang taong perpeksiyonista. .. Yung tipong dapat ganito ang magiging kapartner ko... Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad... O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait - boring daw, gusto ng bad boy/pilya pero kapag pinaiyak ka, tatanungin ka bakit ang sama mo at bakit mo nagawa yun! Adik ka ba?! Ayaw sa cute, ayaw din naman sa panget. Meron dyan gusto ka ayaw mo naman. Ung gusto mo eh halos magtambling ka pero deadma pa rin yang stunts mo sa kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya?
9. Busy-busyhan
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call center].. Sabay tulog na.. Kapag Sabado masaya na sila sa Internet (o sa Multiply), sa pagkain na niluluto ni mama at sa Linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes.. Pssssst.. Pause for awhile..
8. Friendship Theory
Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend na hindi masasabi-sabi sa friendship nya sa loob ng kanilang mahabang panahon na pagsasama dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at iwasan sya.. Yung tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag pahalata, kunyari happy sya for friendship.. Aba! Oi lakasan mo ang loob at baka mamaya forever mong pagsisihan yan kaw rin. Minsan pa naman pareho kayong naghihintayan. . Hmmp!
7. Born-to-be-one (Autistic)
Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw.. Walang reasons.. Basta lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa.. Kesyo magmamadre o magpapari na lang.. Asa kang tatanggapin ka pa noh!
6. Happy-go-lucky
Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings.. Kahit sino nalang basta no strings attached.. For fun lang daw.. Walang halong seryosohan.. Aba hoy! Yang init ng katawan mo e ikiskis mo nalang sa pader.. Makakahanap ka rin ng katapat mo!!!
5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung ang Nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.
4. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na "hindi pa ako ready e, bata pa kasi ako" o kaya naman "hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki.. " Yes meron pong ganyan.. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love.. Awwwwwww.. Aba kelan yun? Pag uugod ugod ka na at yung time mo e bitin na? O baka naman pag pang out of time ka na? Oist, sugod lang ng sugod..
3. Si parents kasi!
Yes, factor din ang komunidad na ginagalawan mo.. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf.. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo.. Aba ikaw ba naman ang sabihan na "Alam mo hindi kayo bagay.. Langit at lupa kayo.." Awwwww.. Payo ko sayo, Pakialam nila diba? Palibhasa inggit!
2. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami. Ayaw ko na! Takot na ako mangyari pa ang nangyari dati! O diba ang drama ng layp? Yes, tama ka.. Eto yung dahil sa past relationship mo, e until na ayaw mo ng magkaroon at sinumpa mo na ata ang magmahal.. Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil binugbog ka! Ano pa ba? Madami yan. wag na nating isa isahin at baka tumulo si tears.. Heheh! Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga hija at hijo.. Iba't-iba ang lasa ng pag-ibig.. May mapait, may mapakla, may matamis at may maasim.. Aba mapalad ka at natikman mo ang iba't-ibang lasa nito.. Kaya ikaw, do not be afraid to fall in love again.. Malay mo sweetiness na ang malasahin mo next time.. E di panalo ka sa lotto.. Yan ang nagpapalakas sayo, yan ang bumubuhay sayo, ang pag-ibig.. Tsk! Drama!
1. EX to the nth power
Oi aminin!!! LOVE parin si ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. . May ganito naman.. Yung tipong ilang taon ang nakakalipas, hindi parin makalimutan si ex.. Yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa.. Malungkot man at sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyong magpaalam sa isa't isa.. YES, after a year sasabihin natin, im over him/her na, pero pag- usapan natin ang love at ang nangyari sa ating relastionship from the past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad ang naalala mo.. At habang nagkukwento ka, ouch may kirot, o kaya may ngiti at may bumabagabag sa ating kalooban.. Ano kaya yun? AMININ mo na kasi MAHAL mo pa si EX.. Isa lang ang masasabi ko, well mahirap sya kalimutan, alam ko yan, pero open your heart and makipagdate ka, lumabas ka, at try to entertain someone.. Wag mo ikumpara si ex sa iba.. At give urself a Kitkat, take a break..spread the love
No comments:
Post a Comment