Pinanood ko ang Eat Bulaga ng buo sa unang pagkakataon. I'm a channel surfer. I rarely stick to a TV channel. Pero kahapon isa yatang himala at hindi ko naalala ang remote control. hehe..
Medyo matagal ko na rin napanood ung "Kagat Labi" portion pero ngayon ko lang naisip at ngayon lang ako nagtaka kung bakit sobrang sikat nito. Napagtanto ko na hindi ko 'ata nakita ang nakakatawang anggulo ng sayaw na to. Sabi ng tag line sa GMA (c/o of my Orbit Cable, of course!) hindi na daw uso ang running man at ispageti dahil ang kagat labi na daw ang kinababaliwan ng bayan. para sa akin malaswang panoorin ang mga bata na kinagigiliwan ang sayaw move na ito. opinyon ko lang naman ito pero sa tingin ko may sexual connotations ang pagsayaw ng may kasamang kagat labi at pagpikit ng mata.
Para sa akin ang sayaw na 'to ay hindi naman weird para sa mga taong nasa wastong edad na pwede nang bumili ng alak at mag bar ng legal. Ewan ko, pero nanayo ang balahibo ko pagkakita ko ng bata na napapapikit ang mata at kinakagat ang labi habang kumekembot.
Sadyang berde lang 'ata ang utak ko pero hindi pa rin ako natutuwa sa "kagat labi" na dance move.
Tuesday, November 6, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment